Ni Lyka Manalo

IBAAN, Batangas – Sa pagnanais na mag-shortcut upang maagang makauwi, nahagip ng sasakyan ang isang magsasaka nang tumawid sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Ibaan, Batangas, nitong Lunes.

Nasugatan sa kanang paa si Jomel Magnaye, 31, ng Barangay Quilo ng nasabing bayan.

Probinsya

16 na pulis, sinibak sa puwesto matapos mag-walwalan sa loob ng presinto

Ayon kay SPO1 Ryan Pagcaliwagan, imbestigador, minamaneho ni Neil Martin Capitle, 25, ang Mitsubishi Mirage (B2M-195) sa Kilometer 96, na sakop ng Bgy. Quilo nang mabundol ang biktima na biglang tumawid, dakong 7:45 ng gabi.

Isinugod sa Batangas Medical Center ang biktima, at patuloy na nag-aaregluhan ang magkabilang panig.