Ni ADOR SALUTA

Sa katunayan, nitong nakaraang Martes ay nagkaroon ng production meeting ang Star Cinema with Direk Erik Matti at Liza Soberano.

LIZA ATDIREK ERIK LANG_please crop copy

Sa isang Instagram photo posted by ABS-CBN’s film production outfit makikitang nagkasama sina Direk Erik at Liza sa Star Cinema office, at may caption na:”Earlier today. #Darna”.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pero nakapagtataka na walang iprinisintang leading man for Liza, kaya lalong uminit ang espekulasyon na hindi si Enrique Gil kundi ang baguhang aktor na si Tony Labrusca ang magiging love interest ni Darna.

Sa mga naging pahayag ni Liza, makahulugan ang kanyang sagot kung si Enrique ba ay bahagi ng Darna movie:

“We have our respective projects. And I think it’s also good that we have our own work din para mag-grow kami, and we get to work with different actors and actresses as well.”

Ang tambalang LizQuen ay napapanood ngayon sa Kapamilya primetime series na Bagani.

Baka nga maumay ang fans kung sila na lang lagi ang magkasama sa bawat project.

Kinumpirma rin ni Liza na nagsimula na siyang mag-shooting ng Darna.

Noon pa excited ang aktres sa project na ito.

“It’s actually really fun. Kakaiba rin ito talaga na pelikula, and it’s really fun working with Direk Erik Matti and the rest of the crew. I’m enjoying it.”