Ni BETH CAMIA
Nagbabala kahapon sa publiko ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) kaugnay ng inaasahang matinding trapiko sa naturang superhighway sa norte dahil sa pagdagsa ng mga biyahero simula sa Miyerkules Santo hanggang Huwebes Santo.
Inihayag ni Rodney Sevilla, traffic supervisor ng NLEX, na aabot sa 230,000 sasakyan ang inaasahang dadaan bukas sa nasabing 84 na kilometrong kalsadang mula sa Balintawak sa Quezon City hanggang sa Dau, Pampanga.
Hindi pa, aniya, nararamdaman ang epekto ng trapiko nitong Linggo hanggang kahapon dahil hindi pa dagsa ang mga umuuwi sa kani-kanilang lalawigan.
Kaugnay nito, maglalagay na ang NLEX ng karagdagang ambulant tellers sa Balintawak, at sa iba pang tollgate sa expressway.