Ni Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang kasama nito nang bumulusok sa kanal ang kanilang motorsiklo sa Barangay Santiago, Concepcion, Tarlac, kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi ay kinilala ni PO1 Emil Sy na si Jeffrey Gutierrez, 21, binata, ng Green Village, Concepcion.

Itinakbo naman sa Concepcion District Hospital ang nasugatang si Joseph Cortez, 20-anyos.

Dakong 1:00 ng madaling-araw at lulan sa motorsiklo ang dalawa patungong Bgy. Santiago nang biglang mawalan ng kontrol sa sasakyan at dumiretso sa isang kanal.

Probinsya

Bogo City, Cebu, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol