Ni Hans Amancio at Mary Ann Santiago

Wala nang buhay nang datnan ang isang retiradong U.S. Marine sa loob ng kanyang bahay sa Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Hindi na humihinga si Roberto “Bobby” Sanchez, 56, nang datnan sa kanyang bahay sa 1223 Miguelin Street, Sampaloc ng nasabing lungsod, dakong 7:50 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Richard Escarlan, sinabi ni Roel Asuncion, kapitbahay ng biktima, na nakatanggap pa siya ng tawag mula sa kaibigan ni Sanchez, si Ann Lim Domingo, na humihiling na silipin si Sanchez dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag ng huli.

Agad namang nagtungo si Asuncion sa bahay ng biktima, at tuluyang nadiskubre ang bangkay ni Sanchez na nakasubsob sa hagdanan.

Na-stroke ang biktima at mag-isa lamang sa bahay sa kabila ng kanyang kondisyon, ayon sa kapitbahay nito na si Supt. Jaime Gonzales.