Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m. – FEU vs UE (Men)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10 a.m. – Ateneo vs UP (Men)

2 p.m. – FEU vs UP (Women)

4 p.m. – UE vs DLSU (Women)

MAKAMIT ang ika-9 na panalo upang tumatag sa kapit sa top spot patungo sa Final Fourth round ang tatangkain ng defending women’s champion De La Salle University sa tampok na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 80 volleyball tournament.

NAGDIWANG ang Ateneo Lady Eagles matapos mabigo ang University of the East Lady Warriors na makadepensa sa offensive play ng karibal sa second set ng kanilang laro sa UAAP women’s volleyball tournament nitong Huwebes sa FilOil Center. (RIO DELUVIO)

NAGDIWANG ang Ateneo Lady Eagles matapos mabigo ang University of the East Lady Warriors na makadepensa sa offensive play ng karibal sa second set ng kanilang laro sa UAAP women’s volleyball tournament nitong Huwebes sa FilOil Center.
(RIO DELUVIO)

Makakatunggali ng Lady Spikers ang kasalukuyang nasa ilalim ng standings na University of the East Lady Warriors ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng Far Eastern University at University of the Philippines ganap na 2:00 ng hapon.

Hawak ang kartadang 8-2, pormal na uusad ang Lady Spikers sa susunod na round at tatatag sa solong pangingibabaw ng women’s standings kung muli nilang tatalunin ang Lady Warriors na nasadlak muli sa back-to-back losses makaraang maitala ang unang dalawang panalo ngayong Season 80.

Katatagan sa diskarte at decision making ng kanilang baguhang setter na si Michelle Cobb ang gustong makita ni DLSU 10-time champion mentor Ramil de Jesus.

Gayunpaman, ikinatutuwa niya kung paano dinadala at pinamumunuan ng mga beterano niyang players partikular sina Kim Dy, reigning MVP Majoy Baron, libero Dawn Macandili at Desiree Cheng ang kanilang koponan na galing sa 5-setter na demolisyon ng FEU Lady Tamaraws sa nakaraan nilang laban.

Ngunit, kahit sumadsad sa nakaraang dalawa nilang laban, hindi pa rin puwedeng i-count out ang Lady Warriors na patuloy sa pagpapakita ng kanilang palabang laro.

Mauuna rito, hindi pa isinusuko ang tsansa nila sa top two spot na may kaakibat na twice-to-beat incentive sa Final Fourth round, sisikapin ng Lady Tamaraws na mawalis ang natitirang apat na laro sa second round kabilang ang laban ngayong hapon kontra Lady Maroons.

Sa kabilang dako, magkukumahog namang bumawi mula sa kabiguang natamo sa kamay ng katabla nilang University of Santo Tomas (3-7), hangad din ng UP na ipanalo lahat ng nalalabing apat na laro para mabuhay ang tsansang makahabol sa top four.