Mula sa CNN

ARE you ready for it?

Nakapagbenta si Taylor Swift ng mahigit dalawang milyong kopya ng kanyang Reputation – ang unang album na nagtamo ang tagumpay na ito simula nang ilabas ang 25 ni Adele noong 2015, ayon sa Nielsen tracking figures.

taylor copy

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang lahat ng anim na naunang albums ni Taylor – ang 1989, Red, Speak Now, Fearless, at Taylor Swift – ang lumagpas din sa 2 million mark.

Ang 2017 album ni Ed Sheeran na Divide ang natatanging isa pang album na nakapagbenta ng mahigit isang milyong kopya noong nakaraang taon.

Kamakailan ay inilabas ni Taylor ang kanyang latest music video para sa Delicate, na ipinakikita ang nakapaang si Taylor habang sumasayaw sa ulan. Marami sa kanyang followers sa social media ang nagpalagay na ang video ay paraan ni Taylor upang ipakita ang kanyang hangarin na makalaya sa expectations na kakabit ng kasikatan.

Sisimulan niya ang kanyang Reputation tour sa Mayo 8.