Ni Fer Taboy

Ginagalugad na ngayon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga liblib na lugar sa Benguet na ginagawang taniman ng marijuana.

Probinsya

'Mass poisoning?' Tinatayang 20 alagang hayop sa Albay, hinihinalang nilason nang sabay-sabay

Paliwanag ng dalawang law enforcement agency ng pamahalaan, mas mahigpit pa ang isinasagawa nilang operasyon sa mga bulubundukin ng lalawigan.

Tinukoy ng mga ito ang pagkakatuklas sa plantasyon ng marijuana sa Bana, Tacadang, Kibungan, Benguet na nagkakahalaga ng mahigit sa P2 milyon at sinunog ang mga ito.

Nilinaw ni PDEA-Cordillera spokesperson Atty. Joseph Calulot na sinira na nila ang limang marijuana plantation sa probinsiya matapos nilang madiskubre ang mga ito.

Bukod dito, binabantayan na rin nila ang ilang lugar sa La Union at Ilocos Sur na sinasabing ginagamit din ng sindikato sa kanilang operasyon sa droga.