Ni Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Dead on the spot ang isang umano’y drug pusher matapos umanong manlaban sa anti-drug operation sa Barangay Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Supt. Joe Neil Rojo, officer-in-charge ng Talavera Police, nakilala ang napatay na si Alberto Peralta, alyas “Chai”, Barangay Bantug, Talavera.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napatay si Peralta nang labanan umano nito ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa By-Pass Road, Barangay Sampaloc, laban sa talamak na illegal na droga sa lugar.

Nakumpiska sa suspek ang isang .9mm caliber pistol at tatlong pakete ng hinihinalang shabu at marked money.