Ni Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac - Duguang isinugod sa isang lying-in clinic ang anim na katao matapos silang masugatan nang bumaligtad ang sinasakyan nilang tricycle sa highway ng Barangay Lubigan, San Jose, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Probinsya

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus

Kinilala ang mga nasugatan na sina Arsenio Halili, 50, driver ng tricycle (BJ- 0132); Leonardo Purganan, 16; Crista Afan, 13; Lealyn Purganan, 13; Jodeline Purganan, 17; at Mariefe Purganan, 13, ng Bgy. Burgos, San Jose, Tarlac.

Dakong 8:30 ng umaga at tinatahak ng tricycle na minamaneho ni Romulo Facun, ng Barangay Mababanaba, San Jose, ang national highway nang bigla itong nag-U-turn na nagresulta sa insidente.