Ni NORA CALDERON

SA bilang namin ay 18 ang dumalong ALL KAPS talents ni Noel Ferrer sa McDonald’s National Breakfast Day noong March 19, merong hindi nakarating dahil may prior commitment na.

EDGAR ALLAN copy

Isa sa narinig naming in-interview si Edgar Allan Guzman na biniro ng reporters kung bakit siya ang napansin ng 2nd Eddy’s Award ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors). Nominated kasi si EA (his nickname) para sa best actor category para sa Deadma Walking. Masaya raw siya sa nomination pero hindi siya nag-i-expect na manalo, sapat na raw na makasama siya sa hanay ng iba pang nominated sa best actor category.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Thankful si EA na sunud-sunod na ang offers na natatanggap niya after niyang manalong best supporting actor sa MMFF 2017. Sa ngayon ay nagsu-shooting na siya ng Mata Tapang for Cine Filipino Film Festival, na lalaking-lalaki naman daw siya.

“May offer din po si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, pero hindi ko pa po alam kung ano ang project, sila pa lang ni Sir Noel ang nag-usap,” kuwento ni EA. “Isasali po raw naman ito sa Pistang Pilipino.”

Wala pang bagong teleseryeng gagawin si EA sa GMA Network, kamakailan lang naman kasi natapos ang romantic-comedy series nilang My Korean Jagiya with Heart Evangelista at Alexander Lee. Pero ayon sa manager niya, naka-schedule nang mag-taping si EA ng isang episode ng Lip Sync Battle Philippines after Holy Week, pero bawal pang sabihin kung sino ang makakalaban niya.

Tiyak namang hindi patatalo si EA dahil bukod nga sa mahusay siyang actor, mahusay din siyang kumanta.