Ni Leonel M. Abasola

Hindi sapat ang ginawang pagsusuri ng Public Attorney’s Office (PAO) para matukoy na ang Dengvaxia vaccine nga ang dahilan ng pagkamatay ng ilang bata.

Ayon sa international expert na si Dr. Scott Halsead, hindi dapat gawing batayan ang ordinaryong autopsy para magkaroon ng kongklusyon na ang Dengvaxia nga ang sanhi sa pagkamatay.

Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Haslead na kailangan ang masusing pag-aaral at hindi lamang autopsy bago tuluyang matukoy na may kinalaman ang Dengvaxia sa pagkamatay ng mga biktima.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sumasang-ayon din ito sa ulat ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing wala pang aktuwal na kaso na nag-uugnay sa Dengvaxia sa mga pagkamatay.