NI Marivic Awitan

PANGUNGUNAHAN ni Ateneo de Manila High School 7-foot center na si Kai Zachary Sotto, nahirang na UAAP Juniors Finals MVP , ang Philippine Youth Team sa FIBA Under-16 Asian Championships sa Foshan, China sa Abril 2-8.

Kasama ni Sotto sa 12-man team na nakatakdang gabayan ni coach Michael Oliver ang kanyang mga teammates sa 2017 SEABA champion squad na sina Rafael Go, Raven Cortez, McLaude Guadaña, Terrence Fortea, Recaredo Christian Calimag, RencePadrigao, at Shaun Geoffrey Chiu.

Kabilang din sa koponan na pormal na ipinakilala kahapon sa lingguhang PSA Forum sa Tapa King branch sa Araneta Center sa Cubao sina Jerick Kyle Bautista,Joshua Rafael Lazaro, Yukien Andrada, at King Balaga.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Magsisilbi namang mga deputies ni Oliver sina MC Abolucion at John Arenas.

Ang koponan na mas kilala bilang Batang Gilas ay nasa Group B ng torneo kasama ng powerhouse Australia at Malaysia.

Magkakasama naman sa Group A: China ang New Zealand, Hong Kong at China habang kabilang naman sa Group C ang Iran, Chinese Taipei at Macau at sa Group D: ang Korea, Japan, Lebanon at India.

Idaraos ang mga laro sa Lignan Pearl Gymnasium kung saan ang best placed team sa bawat grupo ay direktang uusad sa knock-out quarterfinals habang ang second at third place squads ay dadaan sa play-off round.

“The strength of the team will be our speed and outside shooting,” ani Oliver tungkol sa kanilang line-up. “We will definitely take Kai Sotto’s presence inside from time to time. We don’t want to place pressure on the boys so we will take this one game at a time and see how far we can go.”“

“My teammates and I are excited to represent the Philippines in this competition and we hope we can do well and advance,” wika naman ni Sotto. “It will be difficult but that’s all part of the competition.”

Ang torneo ang magsisilbing qualifying tournament para sa FIBA U17 Basketball World Cup 2018 na gaganapin sa Argentina.

Ang apat na mangungunang koponan ang siyang magiging kinatawan ng Asia sa World Cup.