Ni GENALYN D. KABILING, ulat ni Leonel M. Abasola

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na handa na ang sinasabing utak sa “pork barrel” scam na si Janet Lim-Napoles “[to ] tell all” tungkol sa nasabing kontrobersiya, kaugnay ng provisional admission nito sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ).

Ayon kay Aguirre, nakipag-usap siya kay Napoles dalawang buwan na ang nakalipas nang mag-alok ang dating negosyante ng tell-all testimony tungkol sa umano’y maanomalyang paggamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Nagharap kami. Sinabi niya sa akin, ‘I’m going to tell all, lahat ng kinakasangkutan sa PDAF scam na ‘to.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sasabihin ko lahat ‘yan’,” sinabi ni Aguirre sa news conference sa Malacañang.

Nilinaw naman ni Aguirre na sakaling bawiin ni Napoles ang alok na tumestigo ay babawiin ang pagsasailalim dito sa WPP.

“Janet Napoles is now ready to tell all, tell everything everything what she knows about the PDAF scam,” sabi ni Aguirre. “Initially, (she) said (she’s) going to execute an affidavit and other affidavits later so we accepted it, and she requested that (she) be put in provisional coverage of WPP, we agreed to it.

“I believe justice will be done if Janet Napoles will be allowed to speak and tell the truth about this,” dagdag pa ni Aguirre.

Kinumpirma rin ni Aguirre na nakipagkita siya, kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea, sa abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David, sa Malacañang tungkol sa planong ilipat ng kulungan si Napoles may tatlong linggo na ang nakalipas.

Gayunman, kaagad na nilinaw ni Aguirre na walang naging iregularidad sa nasabing pulong, dahil humingi lang umano ng “opinion” si David tungkol sa paglilipat ng piitan kay Napoles.

“I said to the lawyer (David), it is your duty to get Janet Napoles out of Taguig jail. You should file appropriate motion before the division of the Sandiganbayan,” ani Aguirre.

Kaugnay nito, duda naman ang Liberal Party (LP) sa tunay na pakay ng administrasyon sa pagsasailalim kay Napoles sa WPP.

Kinuwestiyon naman ni Senador Grace Poe ang “special treatment” na natatanggap ni Napoles.

“How can Janet Lim-Napoles not appear as most guilty when she has been identified as the pork barrel queen?,” ani Poe. “Pagdating naman sa ebidensiya, tinamad na naman ba ang prosekusyon sa pagkalap ng mga ebidensiya? Mahirap masanay sa pagdepende na lamang sa testimonya ng mismong kriminal upang pagtakpan ang kawalang abilidad ng gobyernong lumikom ng ebidensiya at magpalakas ng kaso laban sa kriminal.”