Ni Nitz Miralles

BALIK-PELIKULA na si Maricel Soriano sa Regal Entertainment movie na My 2 Mommies kasama sina Paolo Ballesteros, Dianne Medina at Solenn Heussaff sa direksiyon ni Eric Quizon.

maricel

Nag-shooting na si Maricel at sa nakita naming photos, masaya siya sa shooting. Bumisita sa set sina Mother Lily at Roselle Monteverde, sayang at wala kaming nakitang litrato nilang magkakasama.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matagal nang hindi gumagawa ng pelikula si Maricel at sa tagal, hindi na nga namin maalala ang huling project niya.

Matagal nang nagre-request ang fans ni Maricel na balikan niya ang pag-arte sa TV man o sa pelikula at ngayong natupad na, masayang-masaya sila.

Parang pang-Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment angMy 2 Mommies at dahil wala itong storycon, huhulaan na lang namin na sina Maricel at Solenn ang two mommies sa movie. Pero puwede ring maging mommy ang role ni Paolo na ala-Ang Tatay Kong Nanay.