Ni Lyka Manalo
LEMERY, Batangas – Patay sa pagkalunod ang isang lasing makaraang lumangoy sa dagat sa isang resort sa Lemery, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Atonio Bacor, 39, ng Barangay Pembo, Makati City.
Sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), nasilayan ni Francis John Padua, kaibigan ni Bacor, ang biktima na palutang-lutang sa dagat na sakop ng Eurasian Beach Resort sa Bgy. Nonong Casto.
Isinugod pa sa Batangas Provincial Hospital ang biktima, ngunit patay na ito. Sinasabing nakainom ng alak ang biktima nang lumangoy sa dagat.