Ni Beth Camia
Pinaiimbestigahan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pag-atake sa isang broadcaster, na hinagisan ng granada, matapos magkomento umano sa ilang kontrobersiyal na isyu sa rehiyon.
Inatasan ni P T FOMS Executive Director Joel Sy Egco ang National Police Directorate for Investigation and Detection Management na imbestigahan ang pag-atake kay Zagitsit FM radio host Hermogenes “Jun” Alegre nitong Marso 18.
Ayon kay Egco, habang hindi pa nakukumpirma ang motibo sa insidente, mayroong posibilidad na may kinalaman ito sa trabaho ni Alegre.
Patuloy ang pagmo-monitor ng PTFOMS sa progreso ng imbestigasyon.
Tiniyak din ni Egco na bibigyan ng kaukulang security at legal assistance sa dating chairman ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Albay chapter.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Alegre na may mga pulitikong na ape k tuhan s a k any ang komentaryo sa hinahawakang public affairs program.