Ni Liezle Basa Iñigo

BUGALLON, Pangasinan - Isa ang napaulat na nasawi habang apat ang nasagip nang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Agno River sa Barangay Bolaeon, Bugallon, Pangasinan nitong Lunes.

Dakong 8:45 ng gabi nang respondehan ng pulisya ang paglubog ng bangkay sa Agno River, dahil umano sa overloading.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sakay sa bangka sina Mariel Prado, 19, estudyante; Joey Prado, 30; Helen Prado, 50; at ang mag-asawang Hernacio Aguilan, 64; at Premitiva Aguilan, 64, pawang taga- Sitio Pangapisan, Bgy. Lasip, Lingayen, Pangasinan.

Nakaligtas ang apat sa mga sakay sa bangka maliban kay Premitiva, na namatay sa ospital.

Mag-aani sana ng mais ang mga biktima at kinailangan pang sumakay sa bangka para makarating sa maisan.