Ni REGGEE BONOAN

SUMASAMA ang loob ni Robin Padilla kapag pinagugupitan niya ang buhok niya, tulad nitong requirement para sa role niya sa seryeng Sana Dalawa ang Puso kasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Robin copy

Bagay din naman kay Binoe ang mahabang buhok, pero mas guwapo at fresh looking kapag maiksi o clean cut.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Last weekend, habang ginugupitan ang buhok niya ay nag-post siya sa Instagram ng, “At muli na namang napagtripan ng mga boss ang aking buhok mabuti na lang nandyan si Pareng Jing Monis ng MBARBERS. Paalam muna aking long hair.”

Pero hindi naman dapat malungkot ang aktor, dahil nang basahin namin ang mga komento ng followers niya ay agree sila sa pagpapagupit niya. Mas lalo raw siyang guguwapo at ‘yung iba ay nagsabi namang, ‘okay lang po ‘yan, tutubo rin ‘yan.’

Oo nga naman, dapat talagang short hair si Leo Tabayoyong (Robin) sa Sana Dalawa Ang Puso dahil sumasama na sa kanya si Lisa, ang isa sa dalawang karakter ni Jodi na fiancée ni Martin (Richard).

Unti-unti nang hinahanap ni Lisa ang kakulitan at kakengkoyan ni Leo, katangiang wala kay Martin na masyadong seryoso sa buhay at puro negosyo ang gustong pinag-uusapan kaya sakal na sakal na ang dalaga.

Wala siyang nararamdamang pressure kay Leo dahil pawang masasayang bagay lang ang pinag-uusapan nila at madalas na tungkol sa pagiging responsible tito nito sa mga pamangkin.

Samantalang si Mona (isa pang karakter ni Jodi) ay nahihirapan namang magpanggap bilang si Lisa na gustong umurong sa kasal kay Martin. Mali-mali ang bigkas ni Mona at nahihirapan din siyang umastang sosyal at mahinhin. Kaya problemado si Lisa at ang sekretarya cum kaibigang si Kim (Nikki Valdez) dahil baka makahalata si Martin na ibang tao ang kaharap.

Pero nu’ng malaman ni Mona na si Martin pala ang fiancé ni Lisa ay natulala siya. Matagal na niyang pinapangarap na magustuhan siya ng binata kaya pinaghuhusayan niya ang pagpapanggap.

Hindi na bagets sina Robin, Richard at Jodi pero hindi sila nagpapahuli sa pagpapakilig ng kabataang love teams.

Abangan ang Sana Dalawa ang Puso bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.