Ni JIMI ESCALA
HALOS lahat ng nakausap naming mga katoto sa presscon ng 2018 Star Magic Circle stars ay nagkakaisa na angat na angat at malaki ang potential ni Donny Pangilinan na sumikat nang husto.
Bukod sa pagiging cutie ng 20 years old na si Donny, pero mukhang teener pa rin, may talent din siya sa hosting (MYX VJ siya, remember), singing at acting. Napanood na siya sa isang youth-oriented movie ni Direk Joey Javier Reyes at may upcoming TV show na rin.
Ano ang tips na ibinibigay sa kanya ng mga magulang niyang sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ngayong gumagawa na rin siya ng sariling pangalan sa showbiz?
“To just find what separates you. Find what makes you you. To don’t be pressured into copying who you should be,” sagot ni Donny.
Diretsahan niyang inamin na malaking advantage na taga-showbiz ang parents niya.
“For me, siyempre, I feel like, kunwari, kailangan ko ng tulong, kailangan ko ng advice, perfect sila kasi they’ve been in the industry for the longest time so they know what’s going on,” sey ng apo ng sikat na sikat noon na si Tony Ferrer.
Pero may disadvantage rin para kay Donny na nanggaling siya sa isang showbiz family.
“Sa totoo lang, eh, mas mahirap nga, eh. Siyempre, ‘yung staying power mo. They’ll gonna keep comparing so you really have to prove yourself. Actually you have to work harder.
“We have to prove to ourselves. ‘Yung staying power is really what we need to have. We have to need to be unique,” dugtong pa ng bagong talent ng Star Magic.
Bago niya pinasok ang showbiz ay may mga ginawa nang preparasyon si Donny.
“Even before I joined showbiz, eh, actually, I’ve been doing acting workshops noong nasa school pa nga,” aniya.
Papasukin ni Donny ang recording at malapit na rin niyang simulan ang bago niyang pelikula. Alin ang mas bibigyan niya ng priority, ang pagiging singer o ang pagiging actor?
“I guess, I want both. I hope to excel in both kasi para sa akin ito, eh. You can keep on improving yourself,” sagot ni Donny Pangilinan.