Ni JUN N. AGUIRRE

BORACAY ISLAND – Walong minutong nagdilim at nanahimik ang buong isla ng Boracay Island sa Malay, Aklan habang nagtipun-tipon sa dalampasigan ang mga residente, mga turista at mga negosyante nitong Sabado ng gabi para ipahayag ang kanilang damdamin hinggil sa plano na isara ang sila ng isang taon.

UNITED FOR BORACAY Umukit ng mga letra sa buhangin at nagsindi ng mga kandila ang mga residente ng Boracay Island sa Malay, Aklan sa kasagsagan ng walong minutong “switch-off” o pagpapatay ng lahat ng ilaw sa isla bilang pagpapakita ng pagtutol sa planong isara ng isang buong taon ang pinakasikat na tourist destination sa bansa, para isailalim sa rehabilitasyon. (JUN N. AGUIRRE)

Ayon kay Noa Macavinta, 25-anyos na Filipino-Swedish na residente ng Boracay at isa sa organizer ng nasabing event na tinawag na Boracay United, isinabay nila ang “switch-off” solidarity night sa isang signature campaign.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aniya, layunin nitong ipakita kay Pangulong Duterte na nagkakaisa ang mga residente at turista ng Boracay laban sa isang taong pagpapasara sa isla.

Sinabi ni Macavinta na kapag nakumpleto na ang signature campaign ay magpapadala sila ng kopya nito sa Malacañang para maipaabot ang hinaing ng mga taga-Boracay na huwag isara ang isla ng isang buong taon.

Sa ganap na 8:08 ng gabi ay pinatay ang mga ilaw at musika sa Boracay, na tumagal ng walong minuto.

Wala naman umanong symbolism ang pagpapatay ng ilaw at musika sa isla ng 8:08-8:16 ng gabi.

Una nang inirekomenda nina Tourism Secretary Wanda Teo, Interior and Local Government OIC Eduardo Año at Environment Secretary Roy Cimatu ang isang taong pagpapasara sa buong isla upang maisailalim ito sa rehabilitasyon.