Ni Fer Taboy

Aabot na sa sampung katao ang napaslang ng pulisya sa anti-drug operations nito sa iba’t ibang lugar sa North Cotabato, ayon sa North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO).

Sinabi ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng NCPPO, na ang mga napaslang ay nanlaban umano sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cotabato at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12 sa magkakahiwalay na operasyon.

Lima sa mga napatay ay kinilala ni Supt. Tayong na sina Ronnie Macaalay Acoy, ng Barangay Poblacion, Kabacan; Datu Manong Sambuto Macaalay, ng Bgy. Kayaga, Kabacan; John Ryn Lapastura; Rey Castillon; at Angelito Cabalfin, pawang taga- Tulunan, Cotabato.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaalam pa ng ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng limang napatay.

Nakumpiska rin umano ng PDEA-12 ang ilang baril, ilegal na droga, at drug paraphernalia sa nasabing mga operasyon.