LEVEL UP si Lauren Young sa peg niya sa karakter niyang si Daniella Imperial sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na magpa-pilot na bukas, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Lauren Young 7 copy copy

Hindi local celebrity ang napili ni Lauren na gawing peg sa super maldita niyang role kundi Hollywood actress.

“Nang mabasa ko ang script at ang magiging karakter, naisip ko agad para maiba ang pagiging kontrabida ko, mag-bangs ako. Sa past contravida roles ko, hindi nagbago ang looks, this time, iniba ko ang looks ko, nag-bangs ako. Naisip kong gawing peg si Anne Hathaway sa movie na The Devil Wears Prada. May bangs din sa movie si Anne Hathaway and she works for a fashion magazine. Ganu’n din ang karakter ko rito, I work for a fashion magazine. Naisip ko, gayahin si Anne Hathaway na may bangs, pero mabait siya sa movie nila ni Meryl Streep. Ako, as Daniella, sobrang bad, ang dami na namang magagalit sa akin,” wika ni Lauren.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Obviously, hindi pa nagsasawa si Lauren sa pagganap ng bad girl roles dahil heto na naman siya sa Contessa, handang pumatay nang hindi makuha ang lalaking gusto, portrayed by Mark Herras na ipinapatay pa niya.

Isa rin si Glaiza de Castro sa mga rason kung bakit tinanggap ni Lauren ang role sa Contessa.

“I’ve always wanted to work with Glaiza eversince makita ko siya sa ABS-CBN, nagti-taping siya ng isang show dahil nagagalingan ako sa kanya. This is also the first time we’re working together, that why, happy ako. Majority of the cast, ngayon ko lang makakasama and I like working with people I don’t know, mas may challenge ‘yun,” pagtatapos ni Lauren.

Kung may Georgia sa Ika-6 Na Utos, may Daniella sa Contessa at hintayin natin ang paghahasik ni Daniella ng lagim sa cast, lalo na kay Bea na magiging si Contessa.

Si Albert Langitan ang director ng Contessa, the same director ng Rhodora X at Impostora. Gaya sa Ika-6 Na Utos, Monday to Saturday din mapapanood ang Contessa. (Nitz Miralles)