Hindi na sasakit ang ulo ng libu-libong manggagawang maaapektuhan sa posibleng pagsasara para sa rehabilitasyon ng Boracay Island, ang pinakapopular na tourist destination sa bansa.

Ito ay makaraang tiyakin ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III na aabot sa 60,000 job opening ang iaalok ng EEI Corporation.

Magpo-profile, aniya, ang kagawaran ng mga mawawalan ng trabaho sa Boracay at hahanapan kung ano ang magiging tugmang trabaho ng mga ito sa nasabing kumpanya.

Sa susunod na linggo, aniya, makikipagpulong ang DoLE sa kumpanya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod dito, nagkasundo na rin, aniya, ang DoLE at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng programang pangkabuhayan, katulad ng pagpapatayo ng maliit na negosyo at iba pa.

Inihayag pa nito na hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paunang report ng inter-agency task force kaugnay ng rekomendasyon nito na maximum one-year closure ng isla dahil sa mga paglabag ng mga establisimyento sa environmental law. (Mina Navarro)