Ni LITO T. MAÑAGO

MAHIGIT isang linggo lang ang pagitan nang bawian ng buhay ang half-brothers na sina Geraldino “Dino” Quizon at Raul “Rolly” Quizon, dalawa sa anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

ROLLY

Heart attack ang cause ng death ni Dino (March 4); aneurysm naman ang sanhi ng pagkamatay ni Rolly na naisugod pa sa Capitol Medical Center nitong Biyernes, March 9 nang mawalan ng malay habang nasa loob ng isang supermarket sa Quezon City.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Namatay si Rolly nu’ng Biyernes, March 16 pagkatapos niyang ma-coma ng ilang araw.

Bunsong anak si Rolly ni Dolphy sa dating aktres na si Engracia Dominguez. Anim silang magkakapatid: Manny Boy, Sahlee, Dolphy, Jr., Edgar at Freddie. Pangalawang pamilya naman si Dino. Anak siya ng dating aktres na si Gloria Smith na nakilala ng komedyante noong 1956. Apat silang magkakapatid, sina Mariquita (Kit), Carlos at Edwin.

Nakilala si Rolly sa telebisyon via the long-running and classic comedy show na John En Marsha bilang Rolly Puruntong na pinagbidahan ng kanyang daddy, kasama sina Nida Blanca, Maricel Soriano, Dely Atay-atayan at maraming iba pa.

Itinanghal ding Best Actor si Rolly sa Metro Manila Film Festival (MMFF) nu’ng 1977 bilang leading man ni Vilma Santos sa Burlesk Queen na idinirehe ni Celso Ad. Castillo at nasundan pa ito ng pelikulang Anong Uring Hayop Kami Dito Sa Daigdig (1977) with Alma Moreno at Jean Saburit, sa direksiyon naman ni Frank Gray, Jr.

Taong 1979 naman nang itambal si Rolly kay Rio Locsin sa launching movie nitong Disgrasyada, kasama rin si Ronald Corveau, sa direksiyon ni Elwood Perez.

Ang ilan pa sa mga nagawang pelikula ni Rolly ay ang John En Marsha Sa Probinsiya (1985) at John En Marsha TNT Sa America (1986).

Edad 59 nang pumanaw si Rolly. Ang ilan pa sa kanyang mga half-brother at sisters ay sina Ronnie, Eric, Madonna at Jeffrey (anak ni Dolphy sa aktres na si Pamela Ponti); Rommel (Evangeline Tagulao, isang nurse); Vandolph (Alma Moreno) at Zia at Nicole (Zsa Zsa Padilla).

Our condolences to the family.