Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Hindi sumasang-ayon ang ilang senador sa naging desisyon ng Department of Justice (DoJ) na pansamantalang ipasok sa Witness Protection Program (WPP) ang tinaguriang “pork barrel scam queen” na si Janet Lim Napoles.

“What an unbelievable, ‘crazy’ development. Do some people in the DoJ really believe that Janet Lim Napoles is qualified to be a state witness in the PDAF scam which she herself invented organized and perpetuated?” pahayag ni Senate President Aquilino Pimentel III.

Kahapon, kinumpirma ni DoJ Secretary Vitaliano Aguirre II ang nasabing hakbang at simula nitong Pebrero 27 ay saklaw na ng provisional coverage ng WPP si Napoles.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Si Napoles, na nahaharap sa kasong plunder at graft sa Sandiganbayan, ay napaulat na pumirma sa affidavit kaugnay ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) controversy noong 2013.

Tutol din si Senator Bam Aquino sa naging desisyon ni Aguirre.

“Sa loob ng isang linggo, napalaya ng Department of Justice ang mga drug lord at naipasok ang reyna ng pork barrel scam sa Witness Protection Program. Nasaan ang hustisya para sa mga biktima ng war on darugs at para sa taumbayang nanakawan ng pinaghirapang yaman?” sabi ni Aquino.

Tinawag naman ni Sen. Riza Hontiveros na “travesty of justice” ang pagkakapasok ni Napoles sa WPP.