Ni Nitz Miralles

NAALIW kaming basahin ang sagot ni Kris Aquino sa isa niyang follower sa Instagram (IG) na minasama ang pagbati niya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na kinumpirmang Brigadier General ng Philippine Army.

KRIS copy

Kasi naman simpleng “Congratulations to the newly confirmed Brigadier General Herbert Bautista, Philippine Army (Reserve). Very proud of you. Ngayon, hindi na lang #saQuezonCitylahatpanalo #serviceforthecountry,” lang ang message ni Kris, pero may nag-comment agad ng, “We know it is not ‘love’ for him, not a good idea, sorry kris, u deserve better man.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sumagot tuloy si Kris ng, “Anong part ng post ko ang may LOVE? Since you have a statement na ‘we know’ if by some nightmare for his & our political enemies we end up getting married kindly be brave enough to send me your address & we’ll be sending you a wedding invitation.”

Na-trigger tuloy ang warrior mode ni Kris and in fairness, sa nag-comment, isinulat nga ang kanyang address at nagpaliwanag pa. Hindi na nga lang sumagot pa si Kris, kaya ang followers niya ang naiwang nagdidiskusyon.

Sa nag-comment naman na nagiging ‘patola’ na si Kris sa mga nagko-comment sa IG niya, may sagot din si Kris.

“Because I am exercising my freedom of speech, if people are free to bash me -- why am I not allowed to defend myself? May I remind you I am an AQUINO, I was born & bred with good manners but I was never raised to be a weakling.”

Ang daming nag-agree sa sagot na ito ni Kris na totoo naman talaga at ang gandang basahin na marami rin ang nagtanggol kay Herbert.

Samantala, kung masusunod ang calendar ni Kris, magsu-shooting na siya ng movie niya sa iflix na ididirehe ni Adolf Alix, Jr. Ang dinig namin, sunod niyang isu-shoot ang movie nila ni Derek Ramsay under Quantum Films to be directed by Chris Martinez.