Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Nagpasyang sumuko sa pamahalaan ang anim na drug pusher sa Tarlac City, sa nakalipas na mga araw.

Ang mga ito ay kinilala ni Tarlac Police Provincial Office director Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas na sina Mark Zander Pedrosa, 28; Andro Cunan, 22; Reynaldo Pascua, 48, ng Barangay San Andres; Nipsirc Marquez, 35, ng Bgy. San Nicolas, Victoria; Orlando Palileo, 47, ng Bgy. Poblacion Norte, San Clemente; at Zaldy Salac, 52, ng Bgy. Malacampa, Camiling, Tarlac.

Idinahilan ng pulisya na napilitang sumuko ng mga ito nang magsagawa sila ng sunud-sunod na operasyon laban sa ilegal na droga sa nasabing lugar.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Inaasahan ng pulisya na dadami pa ang mga sangkot sa droga na susuko sa awtoridad, sa susunod na mga buwan.