Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City-Isang sundalo ang nasawi matapos masagasaan ng isang kotse sa Barangay Paraiso, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Tarlac City Police ang nasawi na si T/Sgt. Frederick Cacay, 42, may asawa, ng Barangay Taugtog, Botolan, Zambales.

Naaresto rin kaagad ang driver ng kotse na si Jophiel Mark Polido, 32, may asawa, sales manager ng Universal Robina Corporation, ng De Castro Subdivision, Pasig City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bago ang insidente, patungong hilaga ang sasakyan ni Polido nang hindi mapansin ang tumatawid na si Cacay, at nasagasaan ang huli.