May 21, 2026

Home BALITA National

'No noise. Just us!' FL Liza, ibinida pagde-date nila ni PBBM

'No noise.  Just us!' FL Liza, ibinida pagde-date nila ni PBBM
Photo courtesy: Liza Marcos (FB)

Ibinahagi ni First Lady Liza Araneta Marcos ang mga larawan nila ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Sabado, Abril 11, sa Solaire.

Mababasa sa caption ng Unang Ginang sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Abril 12, "Sometimes it’s just nice to slow down and enjoy each other’s company. "

"No noise. Just us."

"Finestra @ Solaire / 11 April 2026."

Photo courtesy: Screenshot from Liza Marcos/FB

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sa kabila ito ng mga espekulasyong may malubhang sakit si PBBM kaya naka-admit umano ito sa ospital.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na mababasa sa comment section ng post:

"Fresh ka pa Jan mam liza"

"Throwback photos ba ito?"

"Sometimes we need a break so that we can spend time with our loved ones and recharge, reflect, and connect with what truly matters in life."

"Yung mapapa ngiti ka ng kusa habang tinitignan ang pic.. Ramdam mo ang solid ng pag sasama."

Samantala, nagbahagi rin si PBBM ng mga larawan nila ni FL Liza, gayundin ng ilang mga nakasalamuha nilang mag-ina sa nabanggit na dinner date.

"Took Liza out for a quiet dinner, just a bit of time away from the day," ani PBBM nitong Linggo, Abril 12.

"Along the way, we met a mother and daughter who came over for a quick hello and a short chat. Nice reminder of why the work we do matters," aniya pa. 

Matatandaang pinabulaanan na ng Palasyo ang tungkol sa umano'y sakit ni PBBM.

Maki-Balita: Lagot! Mga nagpakalat na may malubhang sakit si PBBM, sasampolan ng Palasyo

Maki-Balita: ‘Maayos po siya!’ Palasyo, pinasinungalingan isyung may sakit si PBBM

Noong Easter Sunday, ibinahagi rin ni FL Liza ang mga kunag larawan nila ni PBBM at mga anak habang kumakain sa outdoor.