Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking magkasintahan bunsod umano ng kanilang agaw-eksenang pagtatalo na nauwi pa sa pisikalan, sa Davao City.
Ayon sa mga ulat, rumuronda ang ang tropa ng pulisya nang mapadaan sila sa harapan ng boarding house ng magkasintahan. Doon umano nila narinig ang malakas na pagtatalo ng dalawa na tila nakakaabala ang mga ingay.
Bunsod nito, napilitan ang mga awtoridad na pasukin ang kanilang tinutuluyang bahay at saka sinubukang awatin.
Subalit, batay sa ibinahaging video ng pulisya, sa halip na maging kalmado, ay mas lalo pa raw nag-init sa pagtatalo ng dalawa sa kabila nang pag-awat sa kanila ng mga pulis.
Makikita sa video kung paanong nagpupumilit ang dalawa na magpisikan kahit may namamagitan na sa kanilang mga pulis at hawak na rin sila sa kani-kanilang mga braso.
Matapos pa ang ilang sandali, tuluyan nang inaresto ng pulisya ang dalawang magkasintahan.
Kasalukuyan na silang nasa kustodiya ng mga awtoridad na nahaharap sa mga reklmaong alarm and scandal at paglabag sa Article 151 bunsod ng kanilang pagsuway sa mga awtoridad.