Ni Gilbert Espeña
MAPAPALABAN nang husto sa kanyang unang laban sa United States si dating WBF International bantamweight champion Mike Plania sa kanyang super bantamweight bout laban kay dating WBA 118 pounds titlist Juan Carlos Payano ng Dominican Republic sa Marso 23 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida.
Malaki ang mawawala kay Payano na natalo lamang sa Amerikanong si Rau’shee Warren na umagaw sa kanyang titulo noong Hunyo 18, 2016 sa 12-round majority decision sa UIC Pavilion, Chicago, Illinois kung mabibigo kay Plania dahil nakalista pa rin siyang No. 7 sa WBC at WBA rankings.
Malaking pagsubok naman kay Plania ang kanyang unang laban sa dayuhang boksingero lalo’t umaasa ang kanyang manager na si Jim Claude Manangquil ng Sanman Promotions.
“Obviously it’s a very hard fight but I like our chances,” sabi ni Manangquil sa RingTV.com. “Mike is a very talented fighter and I’m confident he can make an upset.”
Dapat na si US Olympian Daniel Lozano ang makakaharap ni Plania sa Marso 16 sa Tampa, Florida pero tinanggap niya ang alok na harapin ang dating world champion na si Payano.
“I’m very happy to fight the former champion and I will do my best this coming fight,” sabi ni Plania na kababayan ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Gen. Santos City, South Cotabato. “Gagawin ko ang aking makakaya para maipagmalaki ng Pilipinas!”