Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Ginebra vs San Miguel

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAITABLA ang serye ang hangad ng Barangay Ginebra sa muli nilang pagtutuos ng defending champion San Miguel Beer sa Game 4 ng 2018 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Inaasahang, susugod ang barangay para suportahan ang Kings sa laban sa Beermen ganap na 7:00 ng gabi.

Nakaiwas ang Kings na bumagsak sa 0-3 sa kanilang serye nang makasingit sa Game 3, 95-87, nitong Martes.

Isa sa nakikitang dahilan ng nasabing panalo ng Kings ang pagkawala ni dating Finals MVP Chris Ross sa second half sanhi ng iniindang injury.

Ngunit para kay Ross, sinuwerte lamang ang Kings sa end game kaya humulagpos sa kamay nila ang tagumpay.

“We’re a champion team,” ani Ross. “Just cause I’m not there doesn’t mean we’re not a champion team. We got a lot of fighters in our team and I got faith in everybody who coach puts in that’s gonna go out there and compete.”

“It didn’t surprise me at all that we had a chance in the end to pull, to get close,” dagdag nito.. “The ball only bounced their way today so we’ll make some adjustments tomorrow and be ready to play on Thursday.”

Para naman kay Kings coach Tim Cone, hindi nila hinahangad na hindi makalaro sa Game 4 si Ross, ngunit kung mangyayari yun, makatotohanan niyang inamin na sasamantalahin nila ang pagkakataon.

“He’s (Ross) a huge, huge difference, “ ani Cone.

“Everybody knows how good he is, his impact, but I still think it’s underrated. He’s a special player. I don’t hope that he’s injured, but if he is, we’ll try to take advantage,” aniya.

Ayon pa kay Cone, masaya sila na nakaisa na silang panalo, ngunit hindi aniya ito sapat para sila makuntento.

“We’re happy to get one but we’re not satisfied,” pahayag ni Cone.

Samantala, sa kampo naman ng Beermen, sa kabila ng pangako ni Ross na lalaro ito sa Game 4, inaasahang gagawan na ito ng adjustment ng koponan sakaling magdesisyon silang huwag ilagay sa alanganin ang kalusugan ng kanilang ace playmaker.

Kapag nagkataon, dobleng effort ang tiyak na aasahan sa kababalik pa lamang din galing sa injury na si Alex Cabagnot at sa mga reserved guards na sina Bryan Heruela at Chico Lanete.