Ni MERCY LEJARDE

PUMIRMA ng kontrata kamakailan sa Jaoming Marketing Corporation ni Mr. Louie Gamboa ang tinatagurian naming Pinay K-Pop Teen Artist na si Via Ortega para maging product endorser ng Erase whitening soap and cologne.

MOMMY GRACE VIA AT MR. GAMBOA_ copy

Nang tanungin ni Yours Truly si Mr. Gamboa kung bakit si Via ang napili niyang endorser ng Erase at Cologne, ang very witty niyang sagot...

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Ah, siyempre, unang-una nakita ko ‘yung potential nu’ng bata, ‘no, maliban sa itsura. Maganda ang itsura niya at nakikita ko ‘yung mga magulang niya ay all out sa supporta sa kanya. ‘Yan ‘yung magandang tulungan, eh. Kumbaga, ano pa ba ang hahanapin mo, may talent si Via, may itsura, very active (lalo na sa dance floor), supportive ‘yung nanay at saka ‘yung tatay, at andiyan ‘yung mga kaibigan niyang press people so wala ka nang hahanapin. ‘Yan ‘yung mga ingredients for success ng isang tao, ok?”

Oks na oks, Mr. Louie Gamboa!

Halos hindi makapaniwala si Via sa bilis ng mga pangyayari. Natulog lang daw siya ‘tapos heto na ang offer ni Mr. Louie Gamboa na maging product endorser siya ng Erase soap whitening and cologne. But if it’s meant to be, in God’s time ay walang makakapigil.

So for you, Via Ortega, product endorsers pa more like spa and laundry business of your Daddy Dearest and Mommy Dearest. ‘Yun na! Insert smiley, :-)!