Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

6:30 n.g. – NLEX vs. Magnolia

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

SISIMULAN na rin ngayon ang ikalawa at huling pares para sa best-of-seven semifinals series sa 2018 PBA Philippine Cup.

Magtutuos ang Magnolia at NLEX sa Game One ganap na 6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Naitakda ang tapatan makaraang manaig ng Road Warriors sa kanilang best -of-3 quarterfinals series kontra Alaska habang dinispatsa ng second seed Hotshots ang nakatunggaling no. 7 team Globalport Batang Pier.

Makaraang maihatid ang Road Warriors sa una nitong semis stint, inaasahan na ng kanilang pambatong rookie na animo’y isang beterano sa ipinakikita nitong liderato na si Kiefer Ravena ang mas matinding laban na kanilang kakaharapin.

Para kay Ravena, isang malaking hamon para sa kanya at sa buong koponan kung paanong mapipigilan kung hindi man ay malimitahan ang lider ng Hotshots na si Paul Lee sampu ng mga kasamahan nito sa backcourt ng Magnolia.

“It’s gonna be a battle. We can’t treat him like invincible siya, na hindi na namin siya mas-stop. We’ll have to find ways, we’ll make a game plan to make it easy on us. Well to find a way, hindi naman sya magiging madali, pero ganun talaga. We have to pick our poison with Paul, with Magnolia na nagpi-peak pa ngayon especially after that momentum-changing win with GlobalPort. Mabigat yun, so we have to brace ourselves talaga,” litanya ni Ravena.

At mukhang may katotohanan ang kanilang hinuha sapagkat naniniwala naman ang Hotshots na napapanahon na upang muli nilang makamit ang inaasam na kampeonato.