Ni Bert de Guzman

Papatawan ng mas mabigat na parusa ang mga lumalabag sa RA 9147 o Wildlife Conservation and Protection Act.

Ipinasa ng House Committee on Natural Resources ang paglikha ng technical working group (TWG) na mag-aayos sa mga panukala para pangalagaan ang wildlife. Pamumunuan ito ni chairman Rep. Arnel Ty at ni Rep. Francisco Jose Matugas II.

Pagsasamahin nito ang apat na panukala -- ang HB 4375 ni Rep. Delphine Gan Lee, HB 6296 ni Rep. Michael Romero, HB 5892 ni Rep. Harry Roque, at HB 6182 nina Reps. John Marvin Nieto, Edward Maceda, Dale Malapitan, at Eric Martinez.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga