Ni NITZ MIRALLES

TATLONG magkakasunod na quotation card ang ipinost ni Sabina Santiago, panganay na anak nina Raymart Santiago at Claudine Barretto at naka-tag sina Raymart at ang sinasabing girlfriend nitong si Aurora Legarda.

Sabi sa unang quotation card: “Your soul mate is not another person’s spouse. Sorry.”

Sa second quotation card: “My dad broke my heart way before any boy had the chance to.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa third quotation card: “Someday you’ll realize the damage that you’ve caused.”

Iisa ang comment ni Sabina na, “ATTENTION!!! @raymartsantiago @aurora_leg YOU GUYS HAPPY NOW?”

Obvious na nasaktan si Sabina na may bagong pag-ibig na ang amang si Raymart, kaya nakapag-post ng ganu’n. Dagdag na masakit kay Sabina ang sinasabing masasama laban kay Raymart ng kanyang followers.

Napasagot tuloy ito ng, “I’m sorry I don’t understand some of what you’re saying po.”