Ni NORA CALDERON

ALAM ni Glaiza de Castro na very big challenge ang pagtanggap niya sa Contessa dahil sila ang papalit sa top-rating afternoon drama series na Ika-6 Na Utos. Bukod kasi sa mataas na ratings, more than 14 months nang napapanood daily ang serye nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon hanggang sa gawing Monday to Saturday dahil sa request ng viewers.

GLAIZA copy

Ano ang feeling ni Glaiza nang ialok sa kanya ang project?

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Honored po ako nang malaman ko kung ano ang story ng Contessa,” sagot ng dalaga. “At thankful po ako sa GMA na ibinigay nila sa akin ito, malaking responsibility pero naroon ang tiwala nila sa akin na magagampanan ko ito nang maayos at pangako ko po iyon sa kanila na hindi ko sila ipahihiya. Kung hindi man namin malampasan ang papalitan namin, ipagdarasal ko na mapantayan man lamang namin sila. Iba po namang pagtalakay ito sa p’wedeng magawa ng isang babae para maipagtanggol niya ang kanyang sarili laban sa mga umaapi sa kanila.”

Natawa si Glaiza nang ibaling ang usapan sa kanyang lovelife.

“Naku, hindi pa po full-time ang love life ko, baka mawala si Contessa. Dito po muna ang focus ko sa aming serye.”

Best friends sila ni Angelica Panganiban, ano ang advice niya sa best sa pinagdaraanan nito ngayon?

“Wala naman po akong p’wedeng i-advice sa kanya. The good thing is nandu’n ako para samahan siya kung kailangan niya.”

Makakatambal ni Glaiza sa Contessa sina Geoff Eigenmann at Jak Roberto na comfortable siyang kasama. Una niyang nakatrabaho si Geoff sa Grazilda at si Jak naman sa Encantadia.

Ngayong Wednesday, magkasama sina Glaiza at Jak na magpu-promote ng kanilang bagong serye sa Tagum, Davao City para sa Araw ng Tagum na gaganapin sa Gaisano Mall at 3:00 PM para sa GMA Regional TV.