Ni Annie Abad
OROQUIETA CITY -- Ikinalugod ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram ang matagumpay na pagbubukas ng Batang Pinoy Mindanao qualifying leg kahapon sa Misamis Occidental Provincial Athletics Complex (MOPAC) dito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Kiram na ang pagtatanghal ng Batang Pinoy sa Mindanao ay nagsisimbulo ng paghahatid ng sports ng pagkakaisa sa buong bansa, kung saan matapos muntik ng hindi matuloy ng dalawang ulit ang pagtatanghal sa nasabing lugar dahil sa naganap na kaguluhan sa Marawi City.
“There is a hopeful spirit in sports these days towards unity. And it is the hope of the PSC board that the youth can have a healing start on peacemaking, unity and healthy competition through sports via the Batang Pinoy program,” ayon sa isang bahagi ng talumpati ni Kiram. “Despite being rescheduled twice due to security concerns, Batang Pinoy pushing thru now in tangible proof that there is peace in Mindanao”.
Ayon naman kay PSC Commissioner Arnold Agustin, na sadyang pinaghandaan ng host City na Misamis Occidental ang pagtatanghal na ito ng Batang Pinoy, kung saan aniya, siguradong magiging matagumpay ang naturang kompetisyon.