BUBUHAYIN ni Filipino lightweight Michael “Hammer Fist” Farenas ang nanamlay na boxing career sa pakikipaglaban kay Mexican Guadalupe Rosales sa Abril 7 sa ‘Dekada Fight Night’ sa Gray Eagle Resort and Casino sa Calgary, Alberta, Canada.

Sinabi ni Farenas (42-5-4 34 KOs) na ang kanyang laban kontra Rosales (34-14 18 KOs) ay maglilikha ng ‘huling pag-aalaala para sa kanya sa larangan ng boksing. Huling lumaban ang Pinoy noong 2015.

“I am in good condition. Sabi nga nila, may asim pa raw ang angas ko,” bulalas ni Farenas na nag-eensayo sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Los Angeles kaagapay sina Marvin Somodio at Jesse Arevalo.

Pinasasalamatan niya ang Maykapal sa ipinagkakaloob sa kanya ng lakas at tatag, sa kanyang pamilya bilang inspirasyon at kanyang manedyer Germaine Gillies para sa suporta.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA