Ni Bella Gamotea

Nagkanya-kanyang diskarte kahapon sa pagpapakarga ng petrolyo ang mga motorista upang makatipid at hindi maapektuhan sa panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtaas ito ng 80 sentimos sa kada litro ng kerosene, 50 sentimos sa gasolina, at 30 sentimos naman sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Samantala, sa datos ng Department of Energy (DoE), naglalaro na ang bentahan ng gasolina sa P45.60-P55.97 kada litro, P41.57-P51.75 sa kerosene, at P34.65-P40.73 sa diesel.