Ni Fer Taboy

Nalaglag sa kamay ng mga awtoridad ang isang umano’y remnant ng Kuratong Baleleng Group (KBG) sa Ozamis City sa magkahiwalay na operasyon sa Lanao del Norte at Sultan Kudarat, nitong Huwebes ng umaga.

Dinakip si Roger Sagarino ng mga tauhan Lala Police at militar sa Barangay Raw-an, Lala, Lanao del Norte dahil sa umano’y pagkakadawit sa gun-for-hire group na pumasok din sa negosyo sa droga.

Nilinaw ng pulisya na miyembro rin umano si Sagarino ng KBG, kasama ang kapatid na si Charly Sagarino, Sr., na nakapiit ngayon sa Dumingag Municipal Jail sa Zamboanga del Sur.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakumpiskahan umano ang suspek ang 14 na sachet ng shabu.

Ikinulong na si Sagarino sa Sultan Kudarat Municipal Police Station habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.