Ni Nitz Miralles

PASOK na sa The One That Got Away si Pancho Magno at aliw ang role niya na mapagkakamalan ni Darcy (Max Collins) na ang secret admirer niyang si Wes.

max and pancho

Hindi alam ni Darcy na si Wes ay ang beki best friend at housemate niyang si Bunny (Nar Cabico).

Karina Bautista, PH navy reservist na

Hindi rin aware si Darcy na nabuking na ni Iῆigo (Ivan Dorschner) si Bunny na nagpapanggap na si Wes. Kaya nang makita ni Darcy si Pancho, inakala nitong siya si Wes dahil swak sa description na sinabi sa kanyang mga text.

Inaway at tinawag na manloloko dahil may kausap na babae.

Ngayon lang magkakasama sa teleserye ang mag-asawang Pancho at Max, sa Wagas at Daig Kayo Ng Lola Ko pa lang sila napanood noon, kaya masaya ang fans nila at nangakong tututok sa TOTGA para mapanood ang real-life couple na sa sexy rom-com series ng GMA-7.