Ni Reggee Bonoan

NANGGULAT sa viewers ang FPJ’s Ang Probinsyano sa bagong pasok nilang talent na si Mara Alberto, ang club dancer na kasamang nagligtas ni Jobert Austria kay Cardo Dalisay (Coco Martin) nang malasing na umere nitong Miyerkules.

MARA copy

Akala namin ay sa viewers lang nanggulat si Mara, pati rin pala sa ibang cast ng aksIyon serye dahil nu’ng i-text namin ang ilang kakilala naming kasama sa Ang Probinsyano ay iisa ang sagot sa amin, “Hindi nga namin kilala, actually.”

Tsika at Intriga

Alex Calleja naglapag ng mga resibo, pumalag sa akusasyong 'nagnakaw ng jokes'

Magkakaibang unit kasi ang kumukuha ng iba’t ibang eksena ng programa kaya malamang hindi pa nakakaharap o ipinakikilala ng pormal si Mara sa buong cast ng FPJAP.

Sinilip namin ang Instagram account ni Mara, artista naman pala talaga siya dahil nakita namin ang lumang post niya na kasama siya sa pelikulang Barkong Papel kasama sina William Thio, JC Lazaro at Mystica mula sa Sparkling Stars production.

May post din siya noong Hunyo 2017 na kasama siya sa GMA Artist Center at marahil ay wala na siya sa Kapuso Network kaya umubra na siya sa Ang Probinsyano.

Ang mga litratong nakita namin sa Instagram account ni Mara ay pawang sexy, kaya bagay sa kanya ang karakter niya as sexy dancer na magiging bagong kapartner ni Cardo dahil hawig din ni Alyanna (Yassi Pressman).

Hmmm, mahilig talaga sa maputi o tisay si Cardo, ‘no, Bossing DMB?

(Julia, magbantay-bantay ka, iha. Joke lang! –DMB)