MAIN CAST NG 'BAGANI' copy

PASABOG ang naghihintay ngayong tanghali sa pagdating sa ASAP ng mga bida ng pinakabagong fanstaserye ng ABS-CBN na Bagani na sina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil.

Hindi rin magpapahuli ang world-class concert production nina Sarah Geronimo at Yeng Constantino at ang sorpresang musical performance nina Piolo Pascual, Sam Milby, Julia Barretto at Yassi Pressman.

Romantic love song naman ang handog nina Erik Santos, Kyla, Daryl Ong, at Angeline Quinto sa “TLC: The Love Connection”.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Panibagong dance challenge na pinamagatang “Lemon” dance ang pauusuhin nina Iñigo Pascual, Darren Espanto, Sam Concepcion, at Kim Chiu at makikisaya rin sina AC Bonifacio, Heaven Peralejo, Maymay Entrata, Grae Fernandez, Donny Pangilinan, at Edward Barber.

Patuloy naman ang “ASAPinoy” banda series sa pagbibigay-pugay sa musika ng Southborder kasama ang tribute master na si Gary Valenciano at 2000 R & B hits naman ang mapapanood sa “Jambayan”.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong tanghali, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSundaySplash.