Ni PNA

BUKOD sa Negros Occidental at Aklan, na nagpahayag na 90 porsiyentong sapat ang imbak nitong bigas, naabot na ng lahat ng lalawigan sa Kanlurang Visayas ang 100 porsiyentong kasapatan sa bigas.

Inilahad ni Department of Agriculture Regional Executive Director for Western Visayas Remelyn Recoter na ang Kanlurang Visayas ay 100 porsiyentong sapat ang supply ng bigas. Nakapag-aambag ang rehiyon ng 12 hanggang 13 porsiyento sa kabuuang produksiyon ng bansa.

Noong 2017, ibinunyag ni Recoter na ang produksiyon ng rehiyon ay 2.2 milyong tonelada.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Gayunman, binigyang-diin niya na ang pagiging sapat ay hindi nangangahulugang mayroong sapat na supply sa buong taon, at ipinaliwanag niyang ang ilang bahagi ng produksiyon ng rehiyon ay dinadala sa Mindoro at Cebu.

Upang masiguro ang malaking ani at mababang paggamit, patuloy na hinihimok ng Department of Agriculture ang mga magsasaka na gumamit ng makina at magtanim ng iba’t ibang uri ng bigas.

Nitong nakaraang linggo, ibinigay ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang P75.6 milyon halaga ng makina at kagamitan sa mga asosasyon ng mga magsasaka mula sa Aklan, Iloilo, at Capiz.

Binili ang kagamitan gamit ang Yolanda Rehabilitation and Reconstruction Program, kaakibat ang layunin nitong makahikayat ng mas maraming magsasaka na gumamit ng makina, bilang isang estratehiya upang mabawasan ang pagkalugi ng mga bukirin.

Pinayuhan din ni Recoter ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa tanggapan ng agrikultura sa mga munisipalidad o lalawigan, upang mas matutuhan ang mga programa at proyekto ng Department of Agriculture.

Binanggit din niyang nagbibigay ang Department of Agriculture ng P3,000 insentibo kada buwan sa mga agriculture technician ng bawat munisipalidad, upang masiguro na matutulungan ng mga ito ang mga magsasaka sa kani-kanilang lugar.

Aniya, dapat ay responsibilad ito ng mga lokal na pamahalaan ngunit ang mga mula sa ikaapat hanggang ikaanim na grupo ng mga bayan ay walang sapat na pondo, kaya inako ng DA ang pagbibigay sa mga ito ng insentibo, aniya.