TORONTO (AP) — Naisalba ng Milwaukee Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo, ang matikas na ratsada ng Toronto Raptors para maitakas ang 122-119 panalo sa overtime nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Ratsada si Antetokounmpo sa naiskor na 26 puntos at 12 rebounds.

“We haven’t beaten them in a while so the win feels a lot better, to be honest with you,” sambit ni Antetokounmpo.

Nag-ambag sina Eric Bledsoe at Khris Middleton sa naiskor na tig-21 puntos.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nanguna si DeMar DeRozan sa Raptors na may 33 puntos.

LAKERS 124, MAVS 102

Sa Los Angeles, pinulbos ng lakers ang Dallas Mavericks sa pangunguna ni Julius Randle na tumipia ng triple-double -- 18 puntos, 12 rebounds at 10 assists.

Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 17 puntos at tumipa si Kentavious Caldwell-Pope at Brandon Ingram ng tig-15 puntos.

Nanguna sa Mavs sina Wesley Matthews at Harrison Barnes na may tig-19 untos.

Sa iba pang laro, pinutol ng Portland Trail Blazers ang 11-game winning streak ng Utah Jazz, 100-81; nagwagi ang New Orleans Pelicans sa Miami Heat, 124-123,sa overtime.