Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre-San Juan)

8 n.u. -- UE vs FEU (Men)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- Adamson vs De La Salle (Men)

2:00 n.h. -- UE vs FEU (Women)

4:00 n.h. -- Adamson vs De La Salle (Women)

TARGET ng defending women’s champion De La Salle University na makahirit ng back-to-back win sa pakikipagtuos sa Adamson sa tampok na laro ngayong hapon ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Matapos mapigil ng league leader National University ang naitalang tatlong dikit na panalo, nakabalik ang Lady Spikers sa winning track pagkaraang biguin ang University of the East sa kanilang nakalipas na laro noong Miyerkules sa loob ng straight sets.

Sisikapin nilang dugtungan ito ngayong 4:00 ng hapon sa kanilang penultimate game sa first round kontra Lady Falcons na magkukumahog namang bumangon mula sa ikatlong kabiguang nalasap sa kamay ng University of Santo Tomas Tigresses na nagbaba sa kanila sa markang 2-3.

Mauuna rito, asam ng Far Eastern University na makasalo sa ikatlong puwesto ng Ateneo (3-2) sa pagsagupa nila sa winless pa ring UE(0-6) ganap na 2:00 ng hapon.