Ni NITZ MIRALLES

NAGBABAKASYON sa Japan ngayon ang magdyowang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Nakunan ng photo sa NAIA ang aktor, pero wala si Ellen.

John Lloyd at Ellen copy

Ang sumunod na picture ng dalawa, nasa Kobe na sila at dahil nakatagilid si Ellen at may suot na parang trench coat, hindi makita ang sinasabing baby bump nito.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Walang post sa kanya-kanyang Instagram (IG) account sina John Lloyd at Ellen tungkol sa trip nila sa Japan, sa Facebook ni Ellen ito nag-post ng photo nila ng boyfriend o fiance niya.

May nabasa pala kaming blind item na parang sina John Lloyd at Ellen ang tinutukoy. Sa June, may ia-announce raw ang dalawa na happy news.

Sa June pa raw dahil sa buwan na ‘yun mag-i-expire ang endorsement contract ng isa kina John Lloyd at Ellen na may clause yatang bawal silang mag-asawa habang tumatakbo ang kontrata.