Ni REGGEE BONOAN

SA tagal na naming kumokober sa ABS-CBN shows ay itong The Blood Sisters lang ang nagkaroon agad ng thanksgiving presscon kahit isang linggo pa lang umeere dahil sa taas ng ratings.

Simula nang umere nitong Pebrero 12 ay humataw agad sa ratings game na 25.2%.

“Busy ang mga reporters at para mapakapit mo sila sa panonood ng isang teleserye ay iisa lang ang ibig sabihin, maganda talaga ang kuwento,” sabi ni Ogie Diaz.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Lalo na siyempre ang mga naiiwan sa bahay na mahilig manood ng serye, talagang pinag-uusapan nila ang kuwento ng triplets na sina Erika, Carrie at Agatha na ginagampanan lahat ni Erich Gonzales.

Matatandaan na sa nakaraang solo mediacon ni Erich ay kabadong-kabado siya habang nalalapit na ang airing ng TBS dahil ang papalitan niya ay ang Wildflower ni Maja Salvador na umabot sa mahigit isang taon sa ere dahil parating extended sa taas ng ratings.

Pressured si Erich dahil hindi pa nga naman alam kung magugustuhan ng manonood ang The Blood Sisters.

Kaya sa thanksgiving presscon, hindi napigilan ni Erich na mapaiyak, as in hindi na siya makapagsalita dahil sa sobrang saya at relieved na ang pressure sa kanya.

“Hindi ko po alam ang sasabihin ko, I have no words. Siguro puro pasasalamat lang po sa suportang ibinibigay ninyo sa The Blood Sisters, sa viewers po na nagustuhan ninyo at sana po, patuloy lang silang kumapit kina Carrie, Erika at Agatha.

“Doing three characters po is not easy pero ‘pag nati-text na po sa akin ‘yung ratings o kaya nakakabasa ako ng magagandang reviews, positive feedbacks, sobrang nawawala po lahat ng pagod.

“Gusto ko rin pong pasalamatan ang buong Blood Sisters team, lahat ng co-actors ko, sobrang thank you po sa inyong lahat,” saka tuluyan nang nalaglag ang luha ng aktres na hindi na makapagsalita kaya sinalo siya ni Ms. Cherie Pie Picache: “Pagod po kasi siya, kauuwi niya lang ng alas singko (5AM) kanina.”

At nang makakuha ng buwelo, “Thank you po also to Dreamscape and to Sir Deo (Endrinal) for this dream project po.”

Pinatotohanan din ni Ms. Tessie Tomas na pinag-uusapan talaga ang kuwento ng The Blood Sisters sa iba’t ibang lugar.

“I just want to commend Cherie Pie and Erich as Agatha, I am so impressed even with the trailer pa lang ‘yung unit nila. I did not realize na it would come alive, sabi ko, ganito pala ‘to. Actually, ang pinakamalalim na hugot ay ‘yung Agatha and the mother Adele, ang ganda ng interaction ninyo doon.

“And of course even my friends and fans who are watching sa beauty parlor, sa Greenbelt dahil medyo taga-Makati tayo ay nakatutok na sila at sabing ganu’n, ‘natataranta sila sa tatlong istorya na sobrang ganda at punumpuno, pangalawa, stand out of course ‘yung mansiyon namin, ‘yung scene ng Baguio gustung-gusto nila kasi it’s like a painting. Ang ganda ng texture,” sabi ni Ms. Tessie Tomas.

Ayon kay Ms. Cherie Pie, ang lugar na tinitirhan nila ni Agatha (Erich) ay sa Istobo Place na may paint company na nag-sponsor para pinturahan.

“It’s a tourist spot in Baguio. We shot in Baguio, it’s Istobo community from afar if you look at it, from an elevated view it looks like a flower with different colors. And we would like to thanked all the people in that community because they’ve been very patient kasi magti-taping kami roon almost 24 hours kasi ‘yung iniilawan,” kuwento ng beteranang aktres.

Sa umeereng kuwento ng The Blood Sisters ay nagkita at nalaman na nina Erika at Carrie na kambal talaga sila at ang hinahanap nila ngayon ay ang surrogate mother nila.